Antonio Tinio Umalma sa dagdag sahod ng mga uniformed personnel ‘HINDI PATAS’

Last modified date

Comments: 0

Umalma si ACT Teachers Representative Antonio Tinio sa pag-apruba sa dagdag sahod ng mga uniformed personnel.

Ayon pa kay Tinio na baka mauuwi ito sa demoralisasyon ang pag-apruba ng Kamara at Senado sa dagdag na sahod ng mga uniformed personnel dahil pwedeng ma-demoralize umano ang mga rank and file employees ng pamahalaan na matagal na ring humihingi ng umento sa sahod.

Sabi pa ni Tinio na hindi raw ito patas dahil ang sahod ng isang matagal ng empleyado ng gobyerno ay nasa P20,000 hanggang P30,000 habang ang isang bagong graduate umano ng PMA na may ranggong 2nd Lt. ay makakatanggap ng P40,000 na sweldo.

Samantala ramdam naman umano ni Tinio ang hirap na trabahong ginagampanan ng mga uniformed personnel tulad ng pulis at sundalo pero marami din daw pagsasakripisyo at taon ng dedikasyon sa trabaho ang tinatrabaho ng goverment employees.

Dagdag pa ng kongresista, hindi naman daw kalakihan ang kanyang hinihingi noon sa Kamara na dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno pero nireject lamang ito.

SOURCE: rmn.ph

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Post comment

Loading...
error: Masama yan..!!