Babaeng Nanuntok ng may Sakit na Taxi Driver, Pinaghahanap na ng LTFRB!

0

Pinaghahanap na ng Land Transportation Office (LTO) ang isang babae na nagmamaneho ng kotse matapos nitong magmura at manuntok ng isang taxi driver sa Congressional Avenue, Quezon City noong Disyembre 17.

Sa pagharap ng biktima na si Virgilio Doctor 52-anyos sa LTFRB, maluha-luha nitong ikinuwento ang sinapit sa babaeng nakagitgitan.

Ayon kay Doctor, nang hindi umano napagbigyang kumanan sa Visayas Avenue ang babaeng minamaneho ang asul na Honda City ay agad na bumaba ito na may dalang golf club.

Sabi pa ni Doctor, pinagpapalo umano ng babaeng suspek ang kanyang minamanehong taxi at sabay na pinagmumura hanggang sa masuntok siya ng babae.

Ang video na pinost ni Joshua Baluyot ay agad nag Trending sa Social Media, sa katunayan nga ay umanot na ito sa 11-Milyon Views sa loob lamang ng isang araw, kaya ikinainis ng husto ito ni LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada ang insidente.

Samantala, sasampa rin ng hiwalay na kasong kriminal ang operator ng DMC taxi na si Arvin Valdecantos sa suspek na nakilalang si Sherish Sharmaine Interior, 31-anyos na isang call center supervisor.

SOURCE: rmn.ph

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...
error: Masama yan..!!