Magkasintahan Pinatay, Babae Hinihinalang Ginahasa! CHR at CBCP Mag-Ingay Kayo!

0

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak at kaibigan ng magkasintahang biktima ng karumal-dumal na pagpatay. Natagpuan sila nitong Linggo sa magkahiwalay na lugar sa Bataan na palutang-lutang sa dagat matapos maiulat na sila’y nawawala.

Ayon sa imbestigasyon ay nakilala ang mga biktamang sina James Carl Guzman at Glory May Carbonell na kapwa rin empleyado sa isang fast food chain.

Ang kagamitan ng mga biktima ay natagpuan ng mga tanod sa Wetland and Nature Park sa Balanga City, Sabado ng gabi. Halos hindi matanggap ng mga magulang ang sinapit ng kanilang mga anak nang madiskubre ang mga bangkay nito kinabukasan. Ang mga biktima ay magkahiwalay na natagpuan, ang isa ay lumulutang sa may baybayin sa bayan ng Orion (Guzman), at ang isa ay sa bayan ng Pilar natagpuan (Carbonell).

Ayon sa salaysay ng ina ng biktimang lalaki, nagpaalam ito sa kanya na kukuha lng ng sahod at sasamahang magsimba ang kanyang kasintahan pero hindi ito natuloy at sa parke sila dumiresto.

Panoorin ang video kung paano kinuha ang bangkay ng lalaking biktima.

Dagdag pa ng ginang, hinihinala nitong hinataw umano ng malakas ang batok ng kanyang anak na naging dahilan ng pagkamatay nito.

PANOORIN ANG VIDEO MULA ABS-CBN:

PANOORIN ANG VIDEO MULA SA GMA NEWS:

Ito naman ang komento ng mga Netizen sa karumal-dumal na pagpaslang.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...
error: Masama yan..!!