P522-Milyong Halaga Ng Pekeng Sapatos at Damit, Nahuli Ng Bureau of Customs!

Daan-daang kahon ng pekeng damit at sapatos ang nasamsam noong Huwebes ng Bureau of Customs (BOC) sa Pasay City na tinatayang nagkakahalaga ng PHP521.93 milyon. Kasama sa mga brand na pineke ay Nike, Adidas, Lee, at Crocs. May mga ilan din na non-branded relo na nakumpiska.

Nanggaling ang impormasyon sa isang concern citizen. Kinilala si Lita Liao na ang tagapangasiwa ng warehouse kung saan nasamsam ang mga pekeng sapatos at damit.

Ayon kay Lita Liao, pinauupuhan niya lang daw ang warehouse kina Mr. Ang, Mr. Gee at Mr. Ty.

Samantala, hindi naman naaresto ang mga suspek dahil wala sila noong panahon ng raid. Ang mga ito ay makakausahan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act in relation to Republic Act 8293 or the Intellectual Property Code.

Photo from Bureau of Customs PH
Photo from Bureau of Customs PH
Photo from Bureau of Customs PH
Photo from Bureau of Customs PH
Photo from Bureau of Customs PH
Photo from Bureau of Customs PH

Nagbabala naman si BOC Chief Isidro Lapeña. Magtutuloy-tuloy daw ang operasyon ng custom para masawata ang mga smugglers.

“The raid was part of BOC’s continued operations against all forms of smuggling of counterfeit goods to protect the consumers and the legitimate business community in general,” sabi ni Lapeña.

SOURCE: PTV News

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Post comment

Loading...
error: Masama yan..!!